-- Advertisements --
OIP

Nakabawi ang Atlanta Hawks sa Boston Celtics matapos nilang maipanalo ang laban kanina sa score na 130 – 122.

Pinangunahan ni hawks Guard Trae Young ang opensa sa kanyang 32 Points 9 Assissts, habang tinulungan naman siya ni Dejounte Murray sa kanyang 25 points 6 rebounds performance.

Nagposte rin ang kanilang Center na si Clint Capela ng double-double na 10 points 11rebounds.

Sa panig ng Boston Celtics, kumamada si Jayson Tatum ng 29 points at sampung rebounds, habang 24 points at walong assissts para kay Marcus Smart, ngunit kinulang pa rin ito upang talunin ang karibal na koponan dahil sa pitong players ng Hawks ang humakot ng double-digit score.

Sa unang quarter ng laban, kontrolado ito ng Boston, ngunit nakaya itong baliktarin ng Hawks sa pangalawang kwarter at namentene hanggang sa pagtatapos nito.