Hindi maiwasan ni Hashtags member Nikko Natividad na sagutin ang mga kumukuwestiyon kung paano ito nagkapera ng malaking halaga.
May kaugnayan ito sa naging pag-amin niya na nabiktima siya ng investment scam kung saan nakuhanan ito ng P4 milyon.
Sa kaniyang Twitter sinabi nito ang nasabing pera ay kaniyang pinaghirapan sa loob ng limang taon.
Halos lahat aniya ng trabaho ay kaniyang pinapasok para lamang makaipon.
Mula sa maagang paggising hanggang sa pagpunta sa mga out-of-town show ay kaniyang pinapatulan.
Reaksyon ito ni Natividad sa ilang mga bashers niya na kumuwestiyon kung paano niya nakuha ang nasabing halaga.
Magugunitang nabiktima ito kasama ang partner na si Ceilo Eusebio ng isang suspek na nakilalang si Shagoptha “Sha” Punzalan na nag-alok ng lending business na may kinalaman sa online gaming.