-- Advertisements --

Nadismaya ang singer na si Harry Styles dahil sa nangyaring mall shooting sa Copenhagen, Denmark.

Dahil sa nasabing insidente ay nakansela ang kaniyang concert.

Hindi kasi kalayuan ang venue ng kaniyang concert mula sa Fields shopping mall kung saan naganap ang mass shooting.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng kalungkutan dahil sa insidente.

Magugunitang tatlong katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin ng 22-anyos na suspek sa loob ng nabanggit na shopping mall.

-- Advertisement --