Pormal na inanunsyo ngayon ng NBA ang magsisilbing mga reserve selections para sa inaabangang All-Star Game na gaganapin sa estado ng Atlanta sa susunod na buwan.
Nanguna sa mga NBA stars na napabilang ay sina Brooklyn Nets star James Harden, mula sa top team na Utah Jazz ang center na si Rudy Gobert at guard Donovan Mitchell.
Si Harden na dating Most Valuable Player noong 2018 ay nasa pang siyam na ngayon na All-Star appearance kung sakali.
Makakasama niya ang mga teammates na sina Kyrie Irving at si Kevin Durant na isa naman sa captain ball.
Kabilang pa sa magiging bahagi ng Eastern Conference, ang guard na si Jaylen Brown at forward Jayson Tatum mula sa Boston Celtics, New York Knicks forward Julius Randle, Chicago Bulls guard Zach LaVine, Philadelphia 76ers guard Ben Simmons, teammate na si Joel Embiid at Orlando Magic center Nikola Vucevic.
Sa Western Conference team liban kina Gobert at Mitchell kung saan ang captain ay si LeBron James, makakasama rin sina Portland Trail Blazers guard Damian Lillard, LA Clippers forward Paul George, Lakers forward Anthony Davis, Phoenix Suns guard Chris Paul at New Orleans Pelicans forward Zion Williamson.