-- Advertisements --

Arestado ang Japanese national na wanted sa Japan dahil sa kasong robbery at theft sa ikinasang operasyon ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit sa Brgy. Poblacion, Makati City nitong Linggo.

Kinilala ang pugante na si Nagaura Hiroki na noong November 2019 pa umano nagtatago sa Pilipinas ayon kay BI Fugitive Search Unit acting chief Rendel Ryan Sy. NGunit taong 2022 lamang daw sa kanila naipaalam ng Japan ang mga kaso nito sa kanilang bansa.

Kabilang na dito ang warrant of arrest mula sa Tokyo Summary Court dahil sa violation nito sa Japanese penal code. Kasalukuyan din umano itong iniimbestigahan sa pagkakaasangkot sa telecommunications fraud activities. 

Sa ngayon ay nakakulong si Hiroki sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang isinasagawa ang deportation proceedings.