-- Advertisements --
Inako ng Hamas militants ang pamamaril sa Jerusalem na ikinasawi ng tatlong katao.
Ayon sa Hamas na ang operation ay bilang isang natural na responde sa krimen na nagaganap sa nasabing lugar.
Magugunitang pinagbabaril ng armadong suspek ang dalawang biktima sa Zir Baher sa Eastern Jerusalem.
Naganap ang insidente sa isang bus station at shuttle stations kung saan gumamit ang mga suspek ng M-16 rifle.
Mayroonpang 16 na mga iba pang biktima ang sugatan sa insidente.