-- Advertisements --

Nakuha ng Hamad International Airport sa Doha, Qatar ang titulong best airport of the year.

Ayon sa British airport reveiew and ranking website na Skytrax, nahigitan nito ang 12-time winner na Changi Airport sa Singapore.

Ibinase ang ranking sa surveys sa mahigit 500 airports.

Ilan sa mga factors dito ay ang kalinisan, pagiging mabait ng mga staff, ease of access, desenyo at maraming iba pa.

Noong 2021 at 2022 kasi ay naging first runner-up lamang ang Hamad International airport na ang may hawak ng titulo ay ang Changi Airport.

Ito na ang pangatlong beses na nakuha ng nasabing paliparan ang titulo bukod pa sa pagiging Best Airport in Middle East at World’s Best Airport Shopping.

Noong nakaraang taon ay mayroong 45 pasahero ang naitalang bumiyahe sa nasabing paliparan na tinalo ang record noong FIFA World Cup.