CAGAYAN DE ORO CITY – Isasampa ng pulisya ang kasong paglabag ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002) sa piskalya laban sa itinuring nila na high value targets (HVTs) nitong syudad bukas.
Kaugnay ito sa walay humpay na anti-illegal drugs operations na maigiting na ipinapatupad ng Police Regional Office 10 na dibdiban namang tinatrabaho ng lower units partikular ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO).
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PRO 10 spokesperson Maj. Joann Navarro na target sa anti-illegal drug operation ng COCPO City Drug Enforcement Unit ang 46 anyos na si alyas Emil habang sakote rin ang kasama nito na si alyas Jovel sa loob mismo ng bahay sa Sitio Kolambog,Barangay Lapasan ng lungsod.
Sinabi ni Navarro na nasa higit isang kilo ng suspected shabu na mayroong estimated market street value na halos pitong milyong piso ang nakompiska ng raiding team sa lokasyon ng mga suspek.
Natukoy na tatlong kasong paglabag ng R.A 9165 na ang kinaharap ni alyhas Emil subalit dalawa sa mga ito ay nabasura habang pending ang isa dahil nag-avail ng government plea bargaining agreement.
Batay sa hawak rin na impormasyon ng PNP na ang dalawang suspek ang kabilang sa suspected illegal drug personalities na nasa likod ng regionwide distribution ng shabu.
Hindi naman inamin o itinanggi ng mga suspek na kanila ang nakuhang ilegal na droga mula sa kanila.