-- Advertisements --

Inaalam na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang supplier ng dalawang lalaking nakuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million.

Ayon sa PDEA-Speical Enforcement Service, tatlong linggo raw nilang minanmanan ang dalawang suspek bago sila nahuli.

Ang dalawang suspek ay pareho raw na taga Marawi City at nagtatrabahong vendor.

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.