DAVAO CITY – Nasa halos P5 million ang naitalang danyos sa nangyaring sunog sa Dalang Rizal, lungsod ng Lupon, Davao Oriental ito ay base sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad.
Nagsimula ang sunog bandang alas-9:45 ng gabi at ideklarang fire out bandang ala-1:40 ng madaling araw.
Dahil dito, umabot sa second alarm ang sunog bago maapula ng mga bumbero.
Ayon pa kay Lupon Fire Station Fire Investigator nga si Fire Officer 3 Warlito Castillo, Jr. tatlong mga establisyemento ang tinupok ng apoy na kinabibilangan ng mini grocery store, hardware, at bakeshop at isang hardware naman ang partially-damaged.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa bakery at mini grocery store at mabilis na kumalat dahil gawa sa light materials ang ikalawang palapag nito.
Walang nadamay na ibang establisyamento at mga residente sa nasabing lugar at wala ring naitala na namatay o casualty sa nasabing insidente.
Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng mga kabomberohan kung ano ang dahilan ng nasabing sunog.