-- Advertisements --
Ikinalugod ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagdami ng gumagamit ng kanilang coin deposit machines sa mga pangunahing malls sa bansa.
Sa pinakahuling datos ng BSP na sa 25 coin deposit machines ay nakalikom na ito ng 117.12 milyon coins o katumbas ng P399.1 milyon nitong Enero 15 ngayong taon.
Mula ng maipakalat ito noong nakaraang taon ay mayroon ng 110, 910 transactions ang naitala.
Sinabi ni BSP Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat na plano nilang maglagay pa ng dagdag na coin deposit machines sa iba’t-ibang karatig na probinsiya ng Metro Manila.
Magugunitang inilagay ng BSP ang nasabing mga makina para sa kanilang coin recirculation program.










