-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Binabalaan ng Kalinga Police Provincial Office ang mga marijuana cultivators na itigil na nila ang kanilang iligal na gawain.

Kasunod ito ng pagbunot at pagsunog ng mga otoridad sa halos 20,000 piraso ng marijuana plants na nagkakahalaga ng halos P4 million sa Tinglayan, Kalinga.

Batay sa report, sa unang operasyon ay binunot ng mga kinauukulan ang 4,800 marijuana plants na nagkakahalaga ng P960,000 sa isang plantasyon na may lawak na 800 square meters sa Barangay Ngibat sa Tinglayan.

Sa sumunod na operasyon sa kaparehong araw ay sinira naman ang 15,000 piraso ng marijuana plants na nagkakahalaga ng P3 million.

Gayunpaman, sinabi ni Kalinga-Philippine National Police acting provincial director P/Col. Job Russel Balaquit na wala silang naarestong marijuana cultivator.

Sa kabila nito, tiniyak ng opisyal na patuloy nilang sinusuyod ang lugar para managot sa batas ang mga a cultivator at para matuklasan ang iba pang plantasyon ng marijuana.