-- Advertisements --
NAGA CITY – Mahigit sa P170,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa dalawang suspek sa Lucena City.
Kinilala ang mga suspek na sina Mario Aclan, 46; at Jonathan Jalla, 42-anyos, kapwa residente ng Brgy. Ransohan sa nasabing lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), 10 sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na nasa 8.46 grams ang nakuha mula sa mga suspek.
Ayon sa mga pulis, ang nakumpiskang mga iligal na droga may kabuuang halaga na P172,584
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek.










