Nakapaghatid na ng kabuuang P128,053,590.46 ang Department of Social Welfare and Development sa mga naapektuhan ng mga pagbaha at malalakas na pag-ulan sa ilang mga rehiyon sa bansa.
Batay sa report ng DSWD, umabot na sa 1,252,973 ang apektadong indibidwal na binubuo ng kabuuang 318,331 na pamilya.
Ang mga ito ay mula sa 1,657 na Brgy mula sa mga rehiyon ng CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, at Northern Mindanao.
Nananatili naman sa loob ng evacuation ang kabuuang 19,349 na katao o katumbas ng 4,631 na pamilya. Ang mga ito ay nasa 56 na evacuation centers sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Maliban sa mga nasa loob ng evacuation center, umaabot din sa 3,402 na katao ang nakikitira sa kanilang mga kaanak at mga kaibigan.
Ito ay katumbas ng 1,008 na pamilya.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang assesment ng mga otoridad sa mga nasirang bahay ngunit batay sa hawak nitong datus, mayroong 251 na bahay ang napabilang sa partially damaged habang 59 naman ang naitalang totally damaged.