-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Umaabot sa P476,000.00 ang halaga ng 70-gramo ng suspected shabu na nakumpiska sa inilunsad na anti-illegal drug raid laban sa isang high value individual kaninang alas-4:50 ng umaga sa Purok 1, Ubod-ubod, Brgy. Baan Km. 3 nitong lungsod ng Butuan.

Ito’y matapos makuha mula sa posisyon ni Julius Helardis Dumanon, 40-anyos, binata, residente ng Brgy. Libertad nitong lungsod at caretaker sa isang farm kungsaan siya nahuli.

Kasama sa mga nakuha ang 21 selyadong sealed transparent plastic sachets ng suspected shabu, dalawang cellular phones, isang kahon na may lamang isang digital weighing scale, iba’t ibang drug paraphernalia, isang sling bag at salaping cash na aabot sa 2-mil pisos.

Ang lahat ng mga nakumpiskang bagayu ay nasa kostudiya na ng City Drug Enforcement Unit ng Butuan City Police Office para sa tamang disposasyon.