-- Advertisements --
Nasa 79 na mga journalists na ang nasawi sa Gaza, Israel at Lebanon mula ng sumiklab ang labanan ng Israel at Hamas.
Ayon sa Committee to Protect Journalists na kinabibilangan ito ng 72 Palestinians, apat na Israelis at tatlong Lebanese.
Ang nasabing bilang aniya ay base sa mga nakarating na impormasyon sa kanila sa nasabing mga lugar.
Lahat aniya ng mga journalists na nag-kocover sa Gaza ay may malaking panganib lalo na kapag nagsasagawa ng ground assault o airstrikes ang Israel.
Patuloy din ang kanilang ginagawang imbestigasyon sa mga nasawing journalist kabilang na rin ang mga naiulat na nawawala.