-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng panibagong record-high na COVID-19 cases ang bansang India sa loob lamang ng 24 oras.

Nadagdagan ng 66,999 ang kaso ng deadly virus sa nasabing bansa dahilan upang pumalo na sa 2,396,637 ang kabuuang bilang nito habang 1.6 million na ang gumaling.

Hindi lahat ng pasyente sa India ay kinakailangang sumailalim sa test para siguraduhin na sila ay gumalling na. Ang mga pasyenteng may mild at moderate na sintomas ay ikokonsidera naman bilang inactive sa loob ng 10 araw sa oras na ma-meet ang ilang kondisyon.

Hindi na rin nila kailangang sumailalim sa test upang makasigurado na wala ng virus sa kanilang katawan. Subalit ang mga severe cases naman ay saka lamang papayagan na lumabas ng ospital sa oras na mag negatibo sila sa test results.

Inanunsyo rin ng health ministry na nadagdagan pa ng halos 1,000 ang mga nasawi kung kaya’t nasa 47,000 ang coronavirus-related fatalities sa bansa.