-- Advertisements --

Nagbabala ang mga health authorities sa Beijing na posibleng humarap ang bansa sa ikalawang wave ng coronavirus outbreak.

Ito’y matapos mabatid na ang 50 bagong kaso ng virus sa bansa ay nagmula sa isang wholesale food market sa China.

Ayon sa mga otoridad, halos lahat umano ng bagong kaso na ito ay nagta-trabaho, namili at nagbebenta sa naturang palengke.

Sa ngayon ay sinara na muna ang palengke dahil isasailalim ito sa inspeksyon ng mga otoridad. Magsasagawa rin sila ng PCR tests sa lahat ng nagpunta sa nasabing lugar simula noong May 30 maging ang mga residente na nakatira malapit dito.