Muling tumaas ang bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Mula sa dating mas mababa sa 300 na kaso ng virus noong nakaraang linggo ay pumalo ngayon sa halos 400 ang bilang ng mga dinapuan ng virus.
Sa data ng Department of Health (DoH), ang kabuuang bilang ng mga bagong kaso ng nakamamatay na sakit ay nasa 399.
Noong Sabado, nasa 225 lamang ang bilang ng bagong kaso ng covid.
Dahil dito, nasa kabuuang 4,071,963 na ang COVID-19 caseload sa bansa.
Bahagya ring tumaas ang bilang ng active tally sa 10,587 mula sa dating 10,555.
Gayunman, ito na ang ika-apat na sunod na araw na mas mababa sa 11,000 ang bilang ng mga dinapuan ng naturang virus.
Naitala rin ang pinakamaraming bilang ng mga naka-recover sa loob ng apat na araw na 377.
Kaya naman ay total recoveries sa ngayon ay nasa 3,995,682.
Nadagdagan naman ang 14 ang bilang ng mga namatay at sa ngayon ang death toll ay lumobo pa sa 65,694.
Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng covid na 1,297.
Sinundan ito ng Calabarzon na mayroong 628 at Central Luzon na may 301.