-- Advertisements --

Pumalo sa kabuuang 349,396 ang bilang ng mga pasaherong naitala ng Philippine Coast Guard sa lahat ng mga pantalan sa buong Pilipinas nitong Huwebes Santo.

Sa gitna ng patuloy na pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan para makauwe sa kani-kanilang mga probinsya ngayong Semana Santa.

Sa datos ng PCG nitong Huwebes Santo, mula sa naturang bilang ay aabot sa 177,087 ang pawang mga outbound passengers, habang nasa 172,309 naman ang pawang mga inbound passengers na kanilang na-monitor mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-6 ng Gabi kahapon sa mga pantalan.

Samantala, bilang bahagi pa rin ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 ay nagpakalat naman ang PCG ngayong araw ng bansa 10,605 na mga Frontline personnel mula sa 15 PCG Districts nito na nag-inspeksyon naman sa mga barko at motorbancas bago at Pagkatapos itong pahintulutan na maglayag.

Kasalukuyan pa ring nakataas sa heightened alert ang lahat ng districts, stations, at sub-stations ng PCG bilang paghahanda pa rin sa dagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa na inaasahan namang magtatagal hanggang Marso 31, 2024.