Nasa kabuuang 290 na kaso ng pagkamatay sa war on drugs ang sumasailalim nasa ilang serye ng imbestigasyon at pag-uusig ayon sa Department of Justice (DOJ).
Tiniyak din ni DOJ Assistant Secretary and Spokesperson Jose Dominic F. Clavano IV na hindi sila titigil sa pagiimbestiga at pag-uusig sa mga kaso may kaugnayan sa kampaniya kontra iligal na droga sa bansa.
Ibinunyag din ng DOJ official na kung ikukumpara noon mas marami silang nakukuhang impormasyon mula sa iba’t ibang civil society organizations at marami na rin ang nagttungo sa kanilang tanggapan para ipaliwanag ang kanilang nalalaman na isa niyang magandang development dahil naging bukas na sila sa awtoridad.
Sa katunayan, mayroon n aniyang special task force na binuo ang National Bureau of investigation (NBI) at special panel of prosecutors ng DOJ para pangasiwaan ang nasabing mga kaso.
Aniya ang NBI special task force ang naatasan na imbestigahan at usigin ang mga big time drug lords.
Ginawa ng DOJ official ang naturang pahayag sa ginagawang efforts ng gobyerno na pag-iimbestiga at pag-uusig sa mga pagpatay sa illegal drugs operationskasunod na rin ng anunsiyo ng Internaional Criminal Court na pagpapatuloy na imbestigasyon sa war on drugs killings mula Nov. 1, 2011 hanggang March 16, 2019.