-- Advertisements --
Nasa halos 300,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na para sa 12-anyos pataas ang dumating sa bansa.
Dumating ang 299,520 doses sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) Terminal 3 nitong Lunes ng gabi.
Ang nasabing bakuna ay mula sa donasyon ng US sa pamamagitan ng COVAX facility at ito na rin ang huling batch na bakuna sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez na mayroon pang 17 milyon doses mula sa COVAX facility ang darating sa bansa.










