Nagpakalat na ang Philippine Coast Guast ng karagdagang mga pwersa sa mga pantalan sa ibat ibang panig ng bansa upang tumulong sa pagbabantay sa seguridad at kaligtasan ng mga biyahero.
Ayon sa PCG, karagdagang 2,765 frontline personnel ang nakaduty sa iba’t-ibang mga pantalan 24/7 para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga pasahero.
Kasama ng mga frontline personnel ang mga K9 dogs na tumutulong sa mga isinasagawang inspection sa mga cargo vessel at passenger vessel na lumalayag mula sa mga pantalan.
Magpapatuloy naman ang pagbabantay ng mga Coast Guard personnel hanggang sa Enero-5, 2024 kung kailan inaasahang magsisipagbalikan muli ang mga biyahero na unang umuwi sa kani-kanilang mga probinysa.
Una na ring sinabi ng Phil Ports Authority(PPA) na binabantayan nito ang mga pantalan kasabay ng milyon-milyong mga pasahero na inaasahang magsisipag-uwian ngayong kapaskuhan.