-- Advertisements --
minor5 1

Umaabot na sa 24,994 na mga menor-de-edad with or without comorbidity ang naturukan na ng Covid-19 vaccine 1st dose sa Quezon City, as of November 6,2021.

Bukod sa mga minors, nagpapatuloy din ang pagbabakuna sa adult population ng siyudad.

Batay sa datos ng pamahalaang lokal ng Quezon, umabot na sa 1,791,522 o 105.38% ng target adult population ang maituturing na fully-vaccinated.

Kabilang na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.

Nasa 1,931,031 residente at workers sa QC ang nabakunahan na ng isang dose ng vaccine.

Hinihikayat naman ang QCitizens na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

minor4 1