Iniulat ngayong araw ng Bureau of Customs (BOC) na nakumpiska nila ang halos 200 iba’t ibang species ng tarantula na dineklara sa shipment bilang mga thermos mugs.
Ayon sa report ng Cutoms ang mga rare tarantulas ay naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinasabing ang mga shipment ay ipapadala sana mula sa Pasay City patungo sa recipient nito sa Italy nang ma-intercept ito sa warehouse.
Ang package ay idinaan sa X-ray at 100 percent na physical examinationa na siyang naging daan sa pagkakadiskubre sa mga buhay na tarantulas na magkakaiba ang laki at walang kaukulang mga permiso.
Ang nakumpiskang mga gagamba ay bunsod na rin daw sa paglabag ng shipper may kaugnayan sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act in at dahil din sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Ang mga tarantulas ay agad din namang na-turn over sa Wildlife Enforcement Officer ng Department of Environment and Natural Resources para sa kaukulang proseso.