Dumating na kahapon, Oktubre 18 sa lalawigan ng Negros Oriental ang halos 200 security forces mula sa iba’t ibang lugar para tutulong na magpatupad ng seguridad ngayong nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan.
Pinangunahan ni Lt. Gen. Benedict Arevalo, Commander ng Visayas Command ang send-off ceremony kung saan sa nasabing bilang ay 29 ang tauhan ng pulisya, 39 mula sa Philippine Coast guard at 113 na personnel ng Armed Forces of the Philippines partikular mula sa 8th Division ng Catbalogan, Samar.
Ang mga ito’y hinati na para idedeploy sa mga voting centers at mga police stations ng lalawigan.
Nilinaw pa ni Arevalo na nagpadala ng karagdagang tropa sa lalawigan hindi dahil may nakikitang problema kundi upang matiyak ang matagumpay na pagdaraos ng halalan sa nasabing.
Umaasa pa itong magiging maayos ang lahat at magiging matagumpay ulit ang halalan gaya ng nakaraang national elections.
Samantala, asahan namang may karagdagang security forces pang ipapadala sa sa nasabing lalawigan sa mga susunod na araw at pagkatapos ng barangay eleksyon ay saka naman pagdedesisyunan kung mananatili pa rin ang mga ito o hindi para naman sa isasagawang special election.
Sa kasalukuyan, ang Negros Oriental ay mayroong siyam na barangay sa ilalim ng Commission on Election watchlist areas; walo rito ay nasa ilalim Areas of Immediate Concern dahil sa napaulat na presensya ng mga teroristang NPA, at isang barangay sa ilalim ng Areas of Concern dahil sa matinding tunggalian sa pulitika.