-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sugatan ang 17 sakay ng isang van nang mabangga ito ng kapwa van sa Hibao-an, Mandurriao, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay PSSg. Jessie Cabial, imbestigador ng Traffic Investigation and Enforcement Unit, sinabi nito na papunta sa Hibao-an, Pavia ang public utility van na minamaneho ng isang Ramy Cajilig, 38-anyos, nang mabangga ito ng Toyota van na minamaneho naman ng nagngangalang Erwin Bongol, 22.

Ayon sa kanya, lahat ng mga sakay ng van ni Cajilig ay nagtamo ng minor injuries at nananatili sa ospital.

Ani Cabial, mabilis ang pagmaneho ni Bongol kaya bumangga ito.

Sa ngayon, nakakulong na ang driver ng Toyota sa Mandurriao Police Station.