-- Advertisements --

Mahigit 70 percent o humigit kumulang 20,000 tourism workers sa Metro Manila ang nabakunahan na kontra COVID-19, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nasa 72 percent ng tourism workers o katumbas ng 19,315 sa 26,745 sa 16 lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila ang bakunado na kontra COVID-19 hanggang kahapon.

Sinabi ni Puyat na mahalaga ang pagbabakuna sa mga tourism workers para mabigyan din sila ng sapat na proteksyon habang ginagampanan ang kanilang trabaho sa frontlines.

Mahalaga rin aniyia ang mataas na bilang ng mga nabakunahan nang tourism workers lalo pa ngayon at nahaharap ang buong Pilipinas sa banta ng mas nakakahawang Delta variant.

Sa 19,315 tourism workers na bakunado na kontra COVID-19, 15,020 rito ang nagtatrabaho sa 402 quarantine at isolation hotels, habang 4,295 naman ang nagtatrabaho sa 53 regular o staycation hotels.