Aabot sa halos 2,000 mga magsasaka sa southern Negros Occidental ang apektado na nagpapatuloy matinding init ng panahon na nararanasan ngayon sa bansa.
Kaugnay nito ay sa Php77.7-million na halaga ng bigas at mais ang napinsala sa mga sakahan.
Ayon kay Gov. Eugenio Jose Lacson, mula sa naturang halaga ay aabot sa Php77,544,981 na bigas ang napinsala, habang nasa Php157,852 na mais naman nasira batay sa datos na kanilang nakalap noong Marso 1, 2024.
Samantala, sa kabila nito ay iniulat din ng gobernador na hindi pa rin naman naaapektuhan ng drought ang mga rice crops sa mga lugar na nasasakupan ng Bago River Irrigation System na nasa lokasyong 30km southeast ng kapitolyo ng Bacolod City.
Gayunpaman ay nagpadala na aniya ang Department of Agricture ng dalawang engineer mula sa Bureau of Soil and Water Management sa lalawigan upang alamin kung maaari bang magsagawa ng cloud seeting sa lugar bilang pagtugon sa epekto ng matinding init ng panahon.