-- Advertisements --
Bureau of Immigration

Hawak ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang 97 Chinese nationals at walong iba pa na nahuli sa isang call center o Business Processing Outsourcing (BPO) office sa Biñan, Laguna.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, nagtatrabaho umano ang mga banyaga sa bansa nang walang kaukulang dokumento.

Isa raw sa mga nahuling nagtatrabahong walang dokumento ay 17-anyos lamang na babae.

Kasamang naaresto sa raid ang apat na Indonesians, tatlong Malaysians, isang Vietnamese at isang Laotian.

Sinabi ni Sandoval na isinagawa ang operasyon dahil na rin sa sumbong ng ilang mga residente sa lugar.

Mananatil raw muna ang 105 undocumented foreigners sa holding facility ng BI sa Bicutan, Taguig habang inihahanda ang kanilang dokumento para ma-deport.

Ang undocumented na menor de edad naman ay ibibigay sa kanyang mga guardians pero ipag-uutos pa ring umalis sa bansa.