Iniulat ng military junta chief ng Myanmar na magsagawa sila ng eleksyon sa Agosto taong 2023.
Pinahaba ng military junta ang paunang timeline na kanilang ibinigay matapos tinanggal sa pwesto si Aung San Suu Kyi anim na buwan na ang nakalilipas.
Nananatiling nagkagulo ang bansa mula nang pinatalsik ng militar ang pinuno ng sibilyan noong Pebrero.
Ito ang simula ng madugong pagsugpo dahil sa hindi pagkakasundo na pumatay sa mahigit sa 900 katao na ayon sa isang local monitoring group.
Ayon kay junta leader Min Aung Hlaing, magagawa ng militar ang mga probisyon ng estado ng emergency hanggang Agosto 2023.
Nangako ito na gaganapin ang mga halalan sa multi-party na walang kabiguan.
Noong nakaraang linggo kinansela ng junta ang mga resulta ng mga botohan, at inihayag na natuklasan nito ang higit sa 11 milyong mga pagkakataon ng pandaraya ng mga botante.
Kung maalala, si Suu Kyi ay nakakulong mula noong Pebrero 1 at nahaharap sa isang “eclectic graft charges” mula sa pagpapalabas ng mga paghihigpit sa coronavirus hanggang sa iligal na pag-import ng mga walkie-talkie.










