Inaasahan ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pagiging matatag ng halaga ng piso kontra dolyar pagsapit ng huling quarter ng taon.
Sinabi ni NEDA Assistant Secretary Sarah Daway Ducanes na bunsod ito ng inaasahang mas masiglang pagdating ng remittances ng mga overseas Filipino workers (OFWs) para sa kanilang mga pamilya rito sa Pilipinas kasabay ng panahon ng Pasko o holiday season.
Aniya, maituturing na winner ang mga nakatatanggap ng remittances mula sa abroad kapag bumagsak ang halaga ng piso laban sa dolyar.
Sa record ng NEDA, mayroon aniyang 20% na households dito sa bansa ang nakikinabang sa remittances.
May pakinabang din aniya sa humihinang piso kontra dolyar ang exporting sector dahil nagmumura ang halaga ng produkto na gawang Pilipinas pag dating sa ibang bansa.
Panalo rin aniya ang local na industriya na gumagawa ng mga produkto na kakumpitensiya ng imported goods sa lokal na merkado.
Maituturing naman aniyang losser o talo ang mga importer dahil mas nagmamahal ang imported goods na siyang nakaaapekto sa galaw ng inflation.