Mas lumaki pa ang halaga ng pinsala ng bagyong Goring at habagat sa sektor ng agri-fisheries.
Sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture-DRRM Operations Center, umabot na ang halaga ng pinsala sa P1.07 billion.
Sa kabuuan, ang bilang ng mga magsasakang naapektuhan ay nasa 31,060 na; 46,811 metric tons naman ang nasirang produksyon; at napinsala ang aabot sa 42,333 ektaryang lupain.
Ang mga apektadong pananim naman ay palay, mais, high value crops, livestock at poultry.
Ang kasalukuyang karagdagang datos ng pinsala ay mula sa CALABARZON, Western Visayas at MIMAROPA regions.
Muling tiniyak ng kagawaran ng pagsasaka na handa ang kanilang ayuda para sa mga apektadong magsasaka.
Kasama rito ang P100 milyong halaga ng binhi ng palay, mais at mga assorted vegetable seed, mga gamot para sa livestock, at poultry.