Nagbitiw na sa pwesto bilang Prime Minister ng Haiti si Ariel Henry sa gitna ng mga pag-atake ng gang sa bansa lalong-lalo na sa capital city nito na Port-Au Prince.
Nauna na kasing sinabi ng gang leader na si Jimmy Cherizier o alyas Barbecue na maglulunsad sila ng civil war kapag hindi bumaba sa pwesto si Henry.
Ang gang ni Barbecue ang nasa likod ng mga gang assault at violent clashes sa capital city ng Haiti na naging dahilan para masira ang linya ng komunikasyon at makatakas ang libo-libong bilanggo.
Nangyari ang pagbibitiw ni Henry sa pwesto matapos ang isinagawang emergency summit ng Caribbean Community o CARICOM sa Jamaica na layong ibalik ang kapayapaan sa Haiti.
Ayon sa chair nito na si Guyana’s president Mohamed Irfaan Ali, kinikilala nila ang pagbibitiw ni Henry sa pwesto at nakalatag na umano ang plano para sa transitional presidential council para magkaroon ng interim prime minister.
Nagpasalamat din sila sa serbisyo ni Henry bilang prime minister sa bansang Haiti.
Dumalo rin sa emergency summit si United States Secretary of State Antony Blinken at nangakong magbibigay ng $100-M para sa pag-stabilise ng Haiti at $30-M naman para sa humanitarian assistance.