-- Advertisements --
Nilinaw ng Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi hacking ang dahilan nang breakdown ng online system para sa national ID registration.
Sinabi ni PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista na base sa mga pag-uusap ng kanilang IT Team ay wala namang nabanggit hinggil sa tangka na i-hack ang kanilang sistem.
Ang nakikita aniya nilang dahilan sa naranasang technical glitch ay ang sobrang laki ng pumasok na online applicants.
Gayunman, sinabi ni Bautista na sinisikap nilang mailunsad ulit sa lalong madaling panahon ang online application para sa national ID system.