-- Advertisements --

Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Ilocos Region, Batanes at Babuyan Islands dulot ng Southwest Monsoon o Habagat ngayong araw ng Linggo, ayon sa state weather bureau.

Ayon sa PAGASA, posibleng magkaroon ng flashfloods o landslide sa panahon magkaroon ng moderate to hevy rains.

Sa kabilang dako, ang Metro Manila naman at ang iba pang parte ng bansa ay magiging makulimlim ang kalangitan at makakaranas din ng kalat-kalat na pag-ulan.

Ang mga probinsiya ng Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon ay magiging partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers o thunderstorms.

Ang mga coastal waters naman sa Luzon ay magiging moderate to strong at may alon na apat na metro ang taas.

Ang karagatan naman sa Visayas ay magiging moderate to strong na may alon na 2.8 meters.

Habang ang coastal waters ng Mindanao ay magiging slight to moderate.