-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na kasama sa kanilang pinag-iisipan ay mabuksan na rin ang mga negosyo na ipinagbabawal sa panahon ng ECQ at sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Iniulat ni DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte na kabilang sa kanilang pinag-iisipan na buksan na rin ang operasyon ay ang mga restaurant para sa indoor at outdoor na dine-in.

Gayunman kung sakaling buksan, ito ay para lamang doon sa mga vaccinated workers at mga vaccinated na mga kustomer.

Layon nito na mabigyan din ng proteksiyon ang mga kababayan na hindi pa nabakunahan.

Liban sa mga nabanggit na negosyo kasama rin sa inihahanda na buksan sa panahon ng ECQ at MECQ para sa mga bakunado ay ang ilang mga health personal care services katulad ng mga gym, salon, at spa, mga arcade, indoor sports venue.

Aminado naman ang DTI na kailangan ding magpatupad ng mga paghihigpit at mga safeguard para hindi makalusot ang mga namemeke ng mga vaccine cards.