Guwardiya nakapatay sa pawnshop manager-reliever sa Aklan, isa lamang isolated case — security agency
KALIBO, Aklan—Itinuturing ng Lion Heart Security Agency na isolated case lamang ang ginawang krimen ng isa sa kanilang gwardya na si Mark Archie Torrefeil, 31 ng Brgy. Cajilo, Makato na responsable sa kalunos-lunos na kamatayan ng manager-reliever ng RD Pawnshop Kalibo branch na si Bonna Hercia Ambay, 23, ng Brgy. Nauring, Pandan, Antique.
Ayon sa may-ari ng security agency na si Michael Anthony Bercades, hindi lahat ng gwardya ay gaya ni Torrefeil kung saan, marami pang mga professional security guard na may dignidad.
Ang pahayag ni Bercades ay kasunod sa mga nagsilabasang balita na sa ngayon ay wala nang gwardya na maaasahan kung saan, nakakapagpababa ito ng kanilang moral.
Ipinaliwag nito na dumaan sa legal na proseso ang paghire nila ng mga security guards kasama na dito si Torrefeil.
Genuine aniya ang mga dokumento na isinumite ng suspek kaya siya na-hire bilang kanilang empleyado.
Samantala, tiniyak din nito sa pamilya Ambay na makipagtulungan sila sa kaso para mabigyan ng karampatang hustisya ang karumal dumal na sinapit ng dalaga.
Nagpaabot rin ito ng simpatiya sa pamilya Ambay.