-- Advertisements --

Pinapayagan pa rin na magtrabaho ang gurong nag-viral matapos sermonan ang mga estudyante at nakapagbitiw ng mga hindi magagandang salita dahil umano sa hindi magandang inasal ng mga ito habang naka-live sa tiktok.

Nilinaw ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas na walang rason sa ngayon para pagbawalan ang public highschool teacher na magturo dahil nakabinbin pa ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon sa naging aksiyon ng guro at wala pang ipinapataw na sanctions.

Una na ngang nag-isyu ang DepEd ng show cause order laban sa nasabing guro. Binigyan naman ng DepEd-NCR ang guo ng 72 oras para magpaliwanag sa nangyari.

Binigyang diin naman ni ASec. Bringas na bibigyan ng due process ang guro para maipaliwanag ang kaniyang panig.

Nagpaalala naman ang DepEd official na hindi maaaring mag-live sa online platcforms ang isang guro batay sa DepEd Order No. 49 o ang Professionalism in the Implementation and Delivery of Basic Education Programs and Services.