CAUAYAN CITY – Makasaysayan sa Amerika na matapos ang 30 taon na walang ginawang hakbang sa mga insidente ng pamamaril ay umusad na ang gun reform legislation.
Ito ay matapos na maganap ang mga kaso ng pamamaril sa Buffalo,New York at Uvalde, Texas ay nagkaroon ng public pressure sa US Congress.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jon Melegrito, news editor ng isang pahayagan sa Washington DC na ang mga Democrats at Republicans ay nagkaroon ng negosasyon at pinag-usapan ang mga hakbang para maregulate ang pagbebenta ng baril.
Marami pa ring Republicans ang tutol sa panukalang gun reform legislation ngunit may labinlimang Republicans ang sumama sa mga Democrats para ipasa ang sensible gun reforms.
Ang isa sa mga napagkasunduan nila ay ang pagsasagawa ng background check upang alamin ng gun seller ang record ng isang bibili ng baril.
Ang ikalawa ay ang mental health investment o pagbibigay ng counselling o tulong sa mga taong may mental health issue at ang pagbibigay ng protection sa mga paaralan.
Hindi nakapasa ang panukalang itaas sa dalawamput isa ang minimum age sa papayagang bumili ng baril.
Hindi rin nakalusot ang pagbabawal sa pagbebenta ng assault rifles










