-- Advertisements --

Gumawa ng panibagong kasaysayan ang Korean pop group na BTS matapos itanghal ng Guinness World Records bilang may pinakamaraming natanggap na Nickelodeon’s Kids’ Choice Award.

Inanunsyo ng Guinnness sa kanilang Twitter page ang pagbati sa 7-member group.

Tinanggap ng BTS ang mga award na Favorit Music Group, Favorite Global Music Star at Favorite Song para sa kanilang 2020-chart topping hit na “Dynamite” sa katatapos lang na Nickelodeon’s Kids’ Choice Award 2021.

Noong nakaraang linggo, kinilala rin ng Guinness ang BTS dahil sa tagumpay ng kantang “Dynamite.”

Umabot kasi ng 3-million views sa YouTube ang music video ng kanta, na naging nominated din kamakailan sa prestihiyosong Grammy Awards. (report from Billboard)