CAGAYAN DE ORO CITY – Aminado ang pulisya sa Misamis Occidental na tumaas morale ng kanilang hanay matapos hatulang guilty sa kasong illegal possession of drugs ang anak ng pinaslang na si dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.

Sa panayam ng Bombo Radyo pinuri ni city police director Maj. Jovie Espenido, ang conviction ni Reynaldo Jr., gayundin ang hukom ng Quezon City Regional Trial Court Branch 79 na nagbigay ng hatol sa kaso.

Magugunitang si Espenido ang naghanda ng mga ebidensya na nagdiin sa anak ng napatay na alkalde sa illegal drug case nito.

Ayon sa police officer, maituturing na regalo ang hatol kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kampanya nito kontra iligal na droga.