-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ngayong linggo raw ay posibleng ilabas na ng Department of Education (DepEd) ang guidelines sa pagbabalik eskwela ng mga estudyante para sa school year 2020-2021.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi Education Usec. Revsee Escobido na tiyak na kasali sa panuntunan ang mahigpit na pagpapatupad ng “maximum no physical contact” sa mga classroom.

Ang enrollment naman daw sa June 1 ay hindi na kailangang puntahan pa ng personal ng mga magulang sa paaralan, dahil alternatibo na ang page-enroll sa pamamagitan ng tawag, text o email sa teacher.

Samantalang ang mga transferee ay maaaring mag-contact sa hotline ng mga lilipatang paaralan. Tatagal daw ng isang buwan ang enrollment ayon sa DepEd.

Bukod dito, maglalabas pa ang Education department ng guidelines para sa magiging sitwasyon ng mga silid-aralan sa Agosto.