-- Advertisements --

Binago ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang kanilang omnibus guidelines sa implementasyon ng iba’t ibang community quarantine levels, partikular na ang sa lugar ng trabaho at age restrictions.

Sinabi ito ni presidential spokesperson Harry Roque sa harap nang ginagawang hakbang ng pamahalaan sa gitna nang nakaka-alarmang pagtaas ng COVID-19 infections sa bansa.

Sa kanyang press briefing kaninang tanghali, sinabi ni Roque na ang IATF ay nagdesisyon na payagang makapag-operate sa kanilang full capacity sa ilalim ng enhanced community quarantine ang health, emergency, at frontline service tulad ng mga HMOs, health insurance providers, disaster risk reduction and management officers, at public safety officers.

Maari na ring makapag-operate ng lubusan ang mga essential retail trade at service establishments gaya ng hardware at office supplies; mga nagbebenta ng bisikleta; at public transport providers at operators.

Maari namang makapag-operate sa ilalim ng skeletal system sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ ang janitorial/sanitation services at facilities, mga establisiyemento na engaged sa repair at maintenance ng mga machinery equipment at iba pa, pati na rin ang mga guro, propesor at abogado.

Samantala, pinapayagan na rin sa ngayon ng IATF na makalabas ng kanilang mga bahay ang 18 patas, mula sa dating tanging 15-anyos.