-- Advertisements --

Ngayon pa lamang ay nagpaalala na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers kaugnay ng tamang pagpapasahod sa kanilang mga empleyado para sa mga holidays sa Nobyembre.

Kabilang na rito ang All Saints’ Day sa November 1, All Souls’ Day sa November 2 at Bonifacio Day sa November 30.

Para sa All Saints’ Day sa November 1 na isang special non-working day, papairalin dito ang tinatawag na “no work no pay” policy maliban na lamang kapag mayroong paborableng company policy, practice o collective bargaining agreement na magbibigay ng sahod sa mga hindi papasok na empleyado.

Para naman sa mga papasok sa naturang araw na isang special day, dapat ay mabayaran ito ng karagdagang 30 percent ng kanyang basic salary sa unang walong oras.

Kapag nag-overtime naman ang isang empleyado, dapat ay mabayaran ito ng karagdagang 30 percent ng kanyang hourly hour rate sa naturang araw.

Para naman sa mga masuwerteng empleyado na nataon ang kanilang day-off sa special day dapat ay mabayaran ito ng karagdagang 50 ng kanyang basic wage sa unang walong oras.

Sa All Souls’ Day sa November 2 na isang special working day, entitled lamang ang isang empleyado ng kanyang daily wage at walang premium pay ang required dahil ikinokonsidera itong ordinary day.

Para naman sa Bonifacio Day on November 30 na isang regular holiday

Kapag hindi nagtrabaho ang isang empleyado ay dapat pa rin itong makatanggap ng 100 percent ng kanyang sahod pero depende pa rin ito sa mga requirements sa implementing rules and regulations ng Labor Code.

Para naman sa mga masisipag na empleyadong magtatrabaho pa rin sa regular holiday sa Nobyembre 30 dapat ay makataggap ito ng 200 percent na sahod sa unang walong oras.

Sa mga gustong mag-overtime, dapat ay magkaroon ito ng karagdagang 30 percent sa kanilang hourly rate.

At para sa mga empleyadong nataon ang Nobyembre 30 sa kanilang rest day, dapat ay mabayaran ito ng karagdagang 30 percent ng kanyang basic wage ng 200 percent.

Pero dahil na rin sa kinahaharap ng bansang pandemic na dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga negosyong tuluyang nagsara o ang mga nagbalik sa operasyon ay exempted sa holiday pay sa November 30.