-- Advertisements --

Balak na baguhin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang guidelines para sa ibinibigay nilang diplomatic passports.

Sinabi ito ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. matapos na batikusin sa hakbang nitong bawiin ang ibinigay na diplomatic passports ng mga dating kahilim ng kagawaran.

Ayon kay Locsin, babaguhin nila ang guidelines para sa courtesy diplomatic passports upang pagbutihin pa ang credebility ng mga passports na hawak ng mga taong higit na nangangailangan nito para sa kanilang trabaho.

Naniniwala raw siya na pabor naman sa hakbang na ito ang mga dating diplomats ng bansa.