-- Advertisements --

Sinimulan na ng Joint Task Force COVID Shield ang pagbuo ng guidelines para sa barangay-level enforcement upang mas maging mahigpit ang pagpapatupad ng mga quarantine rules.
Layon nito para maiwasan ang pagkahawa-hawa ng Covid-19 virus .


Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, ang binubuong guidelines ay ipapakalat sa 42,000 na mga Barangays sa buong bansa.


Gagawin ang information dissemination sa pamamagitan ng mga pulis na magsisilbing Quarantine Rules Supervisors (QRS) ng mga Barangay o di kaya ay ang PNP COVID Focal Persons na itatalaga ng city at municipal police chiefs.


Sinabi ni Eleazar ilan sa mga initial proposal na kanilang ikinokonsidera na nakapaloob sa guideline ay ang pagbabawal sa paggawa ng malakihang salo-salo gaya ng birthday at iba pang selebrasyon.


Pag-inom sa mga kalsada, pagdiriwang ng piyesta, sports competitions at iba pang aktibidad na lalabag sa physical distancing.


Kapag natapos na ang guideline magbibigay naman daw ang JTF COVID Shield nang panahon para makapag adjust ang mga police commanders sa pagpapatupad nito.