-- Advertisements --

Inihahanda na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang emergency loan program para sa mga miyembro nila at pensioners na maaring maapektuhan ng bagyong Paeng.

Sinabi ni GSIS president at general manager Wick Veloso, na maaring makakuha ng hanggang P40,000 na mga emergency loans ang kanilang miyembro.

Mula pa aniya noong Oktubre 23 ay nakapaglabas na ang GSIS ng nasa P4.5 bilyon na financial assistance sa halos 145,000 GSIS active members at pensioners.

Naglaan din ang GSIS ng P1.5 bilyon emergency loans para sa mga miyembro at pensioners sa 15 lugar sa northern Luzon na dinaanan ng nagdaang bagyo.

Umaasa sila na ang makakatulong ang nasabing mga loan sa mahigit 69,000 GSIS members at pensioners na naapektuhan ng nagdaang 7.3 magnitude na lindol noong Hulyo, bagyong Karding noong Setyembre, flashfloods at dengue outbreaks.