-- Advertisements --

Nagsimula na ang Government Service Insurance System sa pagtanggap ng mga applications para sa Educational Subsidy Program sa academic year 2022-2023.

Nasa 10,000 slots ang inilaan ng GSIS
para sa programa.

Tatagal naman hanggang sa August 31 ang application.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng corporate social responsibility ng GSIS kung saan sampung libong piso ang ipagkakaloob sa sampung libong college students bawat taon hanggang sa matapos nila ang kurso.

Ang isang miyembro ay maaaring may dalawang anak o dependents na binibigyan ng assistance sa ilalim ng GESP basta’t ang subsidiya ay ipinagkaloob para sa ibang school years.

Kwalipikado sa GESP ang active members na may permanent status at ang salary grade ay 24 pababa o katumbas nito habang ang premium payments ay dapat updated.

Kailangan din ay walang underpaid o hindi nabayarang loan amortization ng hindi hihigit sa tatlong buwan para sa duration ng GESP grant.

Maaaring i-access ang application form sa website ng GSIS.