-- Advertisements --
Ikinagalit ng mga scientist sa buong mundo ang kumalat na usapin na hindi galing sa mga hayop ang coronavirus at ito ay mula sa nag-leak na kemikal sa isang Chinese laboratory.
Sa inilabas na pahayag ng nasabing grupo, ang usapin ay bahagi ng conspiracy theories ay magdudulot lamang daw ng takot sa bawat isa.
Kanilang kinokondina na ang COVID-19 ay walang natural origin dahil ilang scientist na sa buong mundo ang nagsagawa ng nasabing pag-aaral.
Base na rin sa kanilang pagsusuri nagmula ang coronavirus sa mga wildlife at may mga ebidensiya sila na nag-ugat ito sa Wuhan.
Reaksyon ito sa unang naging pahayag ni US Senator Tom Cotton na ang virus ay hindi mula sa mga hayop at ito ay galing sa nag-aberya na laboratoryo sa China.









